740 Kurdish militants kinalawit

By
349

Aabot sa 740-katao ang ikinulong ng Turkish authorities na hinihinalang may kaugnayan sa Kurdistan Workers Party (KWP).

Sa ulat, resulta ito ng tatlong araw na ­pagsalakay sa mga kuta ng teroristang grupo na siyang sinisisi sa mga serye ng bomb attack noong nakaraang taon.

Una rito, nahaharap ang Turkey sa multiple ­security threats mula sa Kurdish militants at Islamic State dahil sa mga karahasan sa naturang bansa.

Ang KWP ay ikinukonsidera na ngayong terrorist organization ng Turkey, United States at Europe na kumakalaban sa gobyerno noon pang 1984.

Mula nang sumiklab ang karahasan noong 1984 ay lumobo na sa 40,000 katao na karamihan ay Kurds ang namatay dahil sa kaguluhan.


SHARE