6 kalansay natagpuan sa Quiapo

By
193

Nang dahil sa masangsang na amoy ay hindi pa matatagpuan ang mga butong kalansay sa inabandong gusali sa Quiapo, Manila kahapon ng umaga.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Manila Police District (MPD)-Homicide Section hinggil sa pagkadiskubre sa nasabing kalansay na posibleng bangkay ng anim na tao.

Sinabi ni P/C Insp. Fernildo de Castro, hepe ng MPD Homicide, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang mga kalansay sa loob ng inabandong gusali na matatagpuan sa Marawi St., Quiapo.

Nabatid na isang batang lalaki ang nagla­laro sa nasabing lugar ang nakaamoy ng masangsang at agad ipinagbigay-alam kay Sultan Yusoph Guinto, 62, OIC chairman ng Barangay 648 Zone 67.

Mabilis namang itina­wag ni Yusoph sa pulisya ang pangyayari at ipinagbigay-alam sa MPD Homicide at MPD SWAT Team.


SHARE