5 carnapper, holdaper bulagta sa encounter

By

Hindi umubra ang tatlong mga armadong mga carnappers at holdaper dahil matapos na maki­pagbarilan sa mga operati­ba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa ng gabi.

Sa report kay QCPD Director Chief/ Supt. Guil­lermo Lorenzo Eleazar ng tropa ng QCPD Anti-Carnapping, isa sa mga nasawi ay nakilala sa nakuhang Taxpayer Identification Number (TIN) ID na si Jessie Tan y Peralta, 41, ng No. 85-Visayas Avenue, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Hindi pa nakilala ang dalawang kasamahan nito na inilarawan na nasa pagitan ng 35-40-anyos, may taas na 5’2”, katamtaman ang katawan, at may tattoo ng agila sa likod habang ang isa ay nasa pagitan ng 40-45-anyos, may taas na 5’5”, payat at may mga tattoo ng sapot ng gagamba at pangalang ‘Lito’ sa dibdib, ‘Jhoy’ sa kanang tagiliran at ‘Jovet Calma’ sa kanyang likod.

Sabi ni Eleazar na ang mga suspek ang responsable sa panghoholdap at pagtangay sa isang taxi (UWK-805) na pinapasada ng biktimang si Allan Esta y Balbis, 41, ng Block 3, Lot 45, Phase 1-D, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Base sa imbestigasyon, pawang nasawi ang tatlo sa pakikipagbarilan sa tropa ng ANCAR sa pamumuno ni Chief/ Insp. Hector Ortencio at 11 tauhan nito.

Nagyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng Neopolitan Business Park na matatagpuan sa Belfast Avenue kanto ng Mindanao Avenue, Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Nakita ang mga suspek na may binabaklas na sasakyan sa lugar at nang sitahin ay nauwi sa barilan.

Samantala, bandang alas-12:10 ng hatinggabi nang mapatay naman sa engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng QCPD ang riding in tandem na mga holdaper sa Brgy. Batasan Hills sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Ang mga suspek ang nangholdap sa isang Jessabel Ranido y Macasojot, 22, dalaga, travel agent ,ng Drive 8 UP Mauban St., Brgy. Manresa, Quezon City.

SHARE