4 power transmission, wasak

By
25

Sinira ng bagyong ‘Auring’ ang ­apat na power transmission ­facilities ng National Grid Corp. of the ­Philippines (NGCP) sa Mindanao.

Kabilang sa mga power transmission na tinamaan ng bagyo ang 34.5-kilovolt (kV) Puerto-Damlag na nagsu-supply ng kuryente sa Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. (BUSECO); 138-kV line 1 na nagsu-supply sa Siargao Electric Cooperative ­(SIARELCO), Surigao del Norte Electric Cooperative Inc. (SURNECO) at Surigao del Sur Electric Cooperative Inc. (SURSECO); ang 69-kV line na nagseserbisyo rin sa SIARELCO, SURNECO, at Surigao del Sur II Electric Cooperative Inc. (SURSECO II); at ang 69-kV STL Placer-Surigao facility na nagse-serbisyo rin sa SURNECO.

Dahil sa pagkasira ng transmission facilities, naglabas ng abiso ang NGCP na magkakaroon ng rotational blackout at power interruptions sa mga lugar na sineserbisyuhan ng apat na power facilities.


SHARE