38 patay sa twin-bombing

By
64

Aabot sa 38-katao ang nasawi matapos ang naganap na dalawang pagsabog sa parliament complex sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay ­sibilyan at military personnel at nasa 72 iba pa ang nasaktan at isinugod sa pagamutan na kabilang ang ambassador ng United Arab Emirates na si Ambassador Juma Mohammed Abdullah al-Kaabi at iba pang UAE diplomats.

Naganap ang unang pagsabog sa kasagsagan ng rush hour kung saan paalis na sa complex ang mara­ming mga tao dakong alas-kuwatro ng hapon nang pasabugin ng isang suicide bomber.

Ilang minuto ang lumipas ay nangyari ang ikalawang pagsabog ng isang sasakyan na may nakatanim na bomba sa southern Afghanistan sa guesthouse na pag-aari ng gobernador ng Kandahar province kung saan lima ang nasawi at nasa 12 pa ang sugatan kabilang si Gov. Homayun Azizi at tagapagsalita nitong si Samim Khpolwak.

Agad naman inako ng mga Taliban forces ang nasabing magkasunod na pagpapasabog.


SHARE