2 Korean swindlers ipatatapon ng BI

By
165

Nakatakda nang ipatapon pabalik ng South Korea ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Koreans­ na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagtangay ng malaking halaga sa mga kababayan nito.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga Korean fugitives na sina Lim Chae Beom, 63-an­yos at Son Dae Hyon, 45-anyos na naaresto ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) sa pinagtataguan ng mga ito sa hiwalay ng lugar sa Cavite at Cabanatuan City.

Base sa datos ng BI, natanggap ng ahensya ang warrant of arrest na inilabas ng Korean courts laban sa mga ito dahil sa pagkakasangkot sa large scale fraud sa kanilang bansa.

“I issued the mission order for their arrest at the request of the Korean embassy and upon learning that both of them are subjects of red notices from the Interpol,” sabi ni Morente.

Inihahanda na ng BI board of commissioners ang ilalabas nitong summary deportation laban sa mga ito kung saan awtomatikong blacklisted na ang mga suspek sa Pilipinas.

Ayon sa Seoul court, tumangay ng 238 milyong won o katumbas ng US$210,000 si Beom sa dalawang kababayan nito, samantalang si Son ay wanted makaraang tangayin ang mahigit sa US$141,000 ng pinapasukan nitong Korean-owned construction firm sa bansang Vietnam noong Oktubre 2011 kapalit ng gold bars.


SHARE