14 Pinoy sa Russia, pinalaya

By

Nakalaya na ang 14 overseas Filipino workers (OFWs) na kabilang sa 17 Filipino workers na nakakulong sa Moscow, Russia matapos hulihin dahil sa pagiging undocumented aliens.

Sa ipinadalang ulat ng Philippine Embassy in Moscow sa Department of Foreign Affairs (DFA), matagumpay ang isinagawang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Russian authorities sa pagsasabing ang naturang mga Filipino ay biktima ng illegal recruitment at hindi mga kriminal.

Sinasabing Mayo 16 nang pumayag ang Russian authorities na palayain ang 14 OFWs habang ang tatlong iba pa ay patuloy na isinasaayos ang papeles.

Paliwanag ni Ambassador Carlos Sorreta, habang nakadetine ang mga nasabing OFWs ay hindi nilubayan ng embahada at ng DFA-Office of Migrant Workers Affairs ang kaso ng mga ito maliban pa sa pagbibigay ng pagkain at matiyak ang maa­yos ng kondisyon ng mga ito sa piitan.

SHARE