12 Koreano laglag sa online scam

By ,

Bumagsak sa kamay ng Bureau of Immigration (BI) ang 12 South Korean fugitives na wanted sa kanilang bansa bunsod nang pagkakasangkot sa online scam.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente matagumpay ang isinagawang followup operation ng mga tauhan ng BI intelligence unit laban sa mga nasabing dayuhan na matagal nang pinaghahanap ng South Korean authorities.

Base sa record ng BI, inaresto ang 12 Koreans sa pinagtataguan ng mga ito sa Gramercy Residences, Century City, Poblacion, Makati City base sa impormasyon na ipinarating ng South Korean embassy.

Sinabi ni Morente na naglabas ito ng mission order para magsagawa ng operasyon at surveillance laban sa mga ito kung saan nang makatanggap ng tip mula sa impormante na positibo na may isina­gawang ilegal na aktibidades ang mga dayuhan ay agad na nagsagawa ng biglaang pag-aresto.

“Their embassy has confirmed that all 12 of them are subjects of arrest warrants issued by various Korean courts where they have been charged with large-scale fraud,” sabi ni Morente.

Samantala, lima pang Koreano ang binitbit ng National Bureau of Investigation (NBI) sa illegal online gambling.

Arestado ang lima na naaktuhang nakasalang sa online gambling sa loob ng isang bahay, kamakala­wa sa sa Valle Verde Subdivision sa Pasig.

Sinampahan rin ng NBI ng kasong paglabag sa PD 1602 in relation to Sec. 6 ng RA 10175.

SHARE